Friday, August 3, 2007

UPCAT tips ;)

o sige na nga, magpopost narin ako tungkol sa UPCAT kasi panay nababasa ko na lang ngayon sa mga blog ay UPCAT. hahaha. ang payo ko lang sa inyo ay wag na kayo mag-aral. siryoso. diba sandra? hahaha. totoo naman e. ako nga e, hindi ako nag-aral para sa UPCAT e. as in zero! at tingnan mo nangyari sa akin....hindi ako pumasa ng UP Diliman! hahaha. kaya tularan niyo ako. hahaha.

pero siryoso, wag na kayo mag-aral, masasagutan niyo rin naman ang mga tanong e. surprisingly, nadalian ako sa UPCAT. mas madali pa siya kaysa sa ACET at taeng DLSUCET na yan. hahaha. funny though i passed the two. ;)

brace yourselves with terms such as "solstice"! and a lot of deep filipino words. malunod na kayo sa pagiging duleng sa haba ng mga filipino readings and questions na napaka simple naman talaga. trip lang talaga ng UP iba-ibahan ung arrangement ng words para malito lang kayo.

pero siryoso, madali lang siya. kaya nga ako pumasa ng Ateneo e. HAHAHA ang labo noh?

ganyan talaga ang buhay. ang swerte ko pa, sinakitan pako ng tiyan nung day before UPCAT. as in sobrang sakit na inisip ko ng hindi a alang mag UPCAT. pero nag UPCAT parin ako. mahusay! hahaha.

eto mga tips para sa inyo:
matulog ng maaga. wag magkape! sasakit ulo niyo. pramis.

wag magdala ng higanteng sharpener sa bag para sa UPCAT. ung tipong iniikot mo ung handle para matasa lapis mo? don't fret senior, they provide a sharpener if you need one. :) and besides, i only used 1 pencil during the UPCAT. believe me, a pencil doesn't break that easily!

wag magcram ng last-minute formulas ng mga triangles etc. kasi believe me, hindi naman pumasok sa utak ko yun habang naghihintay ako sa pila.

wag uminom ng maraming tubig. dahil pwede lang kayo magCR pag tapos ka na sa isang part at siyempre kung mabagal ka, hindi ka makakapag CR. hala maihi ka ng di oras.

pag eco bldg ka, magdala ka ng jacket dahil iha, mangangatog ka sa lamig. hay darling! pramis.

best bet mo talaga sa pagkain ay ang candy. :) my faithful companion was lemon Halls! masarap siya. HAHAHA. okay rin ang peanut butter sandwich. wheat bread dapat a. bad brain food ang white flour. dapat rin tingnan mo ingredients ng peanut butter mo darling! dahil kung may corn syrup o artificial flavoring yan, bale wala ang brain food na yan! mabobobo ka lang! hahaha ang nerdy naman ng mga sinabi ko B-)

do also try eating a banana for breakfast. it boosts your energy.

wag magsuot ng masikip kasi maghihingalo ka sa UPCAT. haha.

magdala ng payong! umulan nung upcat namin..

be at least 2 hours early if you live 30 mins away. just do the math if you live farther away.

itali ang buhok!

at pinaka importante!
huminga. believe me, it's not as bad as it seems. :D madali naman talaga UPCAT. problema lang, kalaban mo mga henyo kaya nagmumukhang kang tanga. may solusyon diyan! lasunin lahat ng mga henyo bago upcat. haha.

kaya kayo bahala kung papaniwalaan niyo mga sinabi ko. kasi nga diba, hindi naman ako pumasa ng UPd. sorry naman. pero siryoso, wag na kayo mag-aral. mag-aral na lang kayo sa ACET. :D


hay ang sarap mag-tagalog ngayon. :P


-august 2007-

No comments: