Wednesday, August 5, 2009

Kamusta naman ate nagbloblog na naman ako at bwisit na bwisit na ako sa araw ko. Naramdaman mo na ba na sobrang saya mo? Na "yes finally tapos na lahat ng paghihirap ko! Worth it lahat ng frustrations at effort ko dito!"

O ayan naramdaman ko yan ate kanina. Sobrang nagtatatalon ako tsaka complete with goofy smile pa ang gaga. Ready na ako mag practicum sa BPI sa sembreak at lumipad papuntang Spain sa summer. Sayang-saya ako muntik na ata akong maihi sa sobrang galak. Ok na daw lahat. Forward ko na lang daw iyong e-mail ulit tas ipprint na lang daw. So ito naman inemail na. Tas eto nagreply. Pag-uusapan pa daw ulit. E leche kala ko ok na. Wala naman daw problema tsaka ok na daw lahat. Pero ito may palugit e. Parang sinabi lang sa akin "Ops, di pa pala sweetheart, joke lang iyong kanina. Kaw naman di ka pa mabiro"

Hindi nakakatawa maging laruan okay. Hindi talaga. Sobrang naaawa ako sa sarili ko naiiyak na ako sa inis na rin. Ang tagal tagal na nito parang inisip ko wag na lang ako pumuntang Spain e. Sobrang hassle talaga amputa. Hindi mo lang alam okay. Ilang buwan ako pabalik-balik doon para lang irapan ako at pinamukhang tanga doon. Ilang beses nag 360 degree rotation ung napaka hindi subtle na pag-irap sa akin ng secretary. Pero oks naman siya ngayong linggo, mabait naman. Nakakadyahe lang naman kasi na pinapaasa nila akong nang matagal. Hindi ba nila naisip na sa simpleng "no" nila magugunaw na mga lunggati ko sa mga susunod na taon?! Pinapatagal pa kasi. Lalo akong nahihirapan. Sana sinabi na lang sa mukha ko na hindi pwede kung sa huli hindi naman talaga sila papayag.

Napapagod na talaga ako. Itong buwan na 'to napakakupal. Ngayon ata sa buong buhay ko na nagmura ako ng napakamaraming beses sa isang buwan. Hindi na ata teenage angst tawag doon. Swak lang na nababanas na talaga ako.
----------------------------------------------------------------
Nandidiri ako sa sarili ko na pumayag akong lumundag sa temptasyon ngayong buwan. Parang timang. Sinabi na ngang "Do not interpret" e! Nandidiri ako na may natitira pang konbensyonal na babae sa loob ko. Tipong malambot at madaling makumbinsi kahit hndi naman kinukumbinsi. Ang hina ko. Kala ko malakas ako. Isang maskara lang pala iyon. Pero ngayon, sa tingin ko naging mas malakas na ulit ako. Buti na lang at hindi tumuloy-tuloy ang temptasyon na iyon.

Kailangan ko nang umalis at mag-aral at isunispende kasi ang pasok kahapon. Dapat 2 ang LT ko kahapon at ngayon lahat napunta na next week. So ayon, papakanerd ako. Babye.

No comments: