lonermania
I've been siting in the library for about 2 hours now. And woot! I'm alone. Again. Haha. Just like old times. Yeah, oo na. I have my loner tendencies. But sometimes I like being alone. Nobody to please. Nobody to piss you off.
Pero naiinis na ako ngayon. Kanina pa ako naghihintay dito at ayaw pa gumana wifi ko sa laptop. Naiinis pa ako kasi ang sci10 orals na iyan sa Tuesday na. And I'm still not sure what I'm going to talk about. I wouldn't want to join the overflowing bandwagon of people who'll talk about computers and cellphones. I might pick DSLRS as my topic. But helloooooooo I might just get dumbfounded if I get bombarded by questions at the end of my speech. Hindi naman ako super knowledgeable sa DSLRS. Heck, I'm not even an expert in handling my own DSLR. WAHAHA. Ang skwater talaga.
Hay. It's really cold in the library. Too cold to even feel your own fingers. I kinda miss staying at the library though. I used to stay here everyday to study while waiting for my 4 hr break to finish...now my breaks are scarce so I only reserve them for eating meals.
I don't know. I'm really irritable right now. It's like there's this really really big gap between us. Wala na talagang pakialamanan. Ganun ba talaga pag tumatanda na? More on being civil and stiff na lang? Sorry na, pero medyo mga walang kwenta mga taong to. Hindi naman ako nageexpect ng malaki e. Kahit kaunting warmth o sense of security man lang ioffer nila. Pero wala. Walang kwenta. Pero salamat. Dahil sa inyo naiiexperience ko na ang real world. And churva a. Ang plastic pa ng dating. Pasabi-sabi pa ng mga ganyan di naman pinapakita. More on competition lang kasi ang lahat. Ganyan na lang ba talaga tayo? Naiinis na talaga ako. Pero alam ko naman na hindi tayo magiging "ganun" e. Naiinis lang ako kung bakit napadpad din kayo sa lugar kung saan ako napunta. Sobrang iba naman tayo sa isa't isa.
Okay. Okay.
Update naman sa bago kong crush! (naks nag tagalog na talaga ako e noh. mas masarap mag tagalog pa inis e) Haha. Ang dami naring may alam sa block. Sabi nila sobrang liit at totoy daw. Mukha daw gradeschool. Sabi naman ni Raffy iyon nga iyong tipo ko. Parang may pulbos pa at lampin sa likod. Haha. Naiinis ako dahil ang daming nakakakita sa kanya. Sa lib. Sa covcourts. Sa Faura. Sa dorm. Sa KFC. Sa caf. Bakit ako di ko siya nakikita? May isang araw nga alam ko kung saan siya the whole day. Una, cov courts. Tapos siyempre fil class. Tapos lib. Tapos KFC. Tapos dorm na ulit. Hahaha. Hindi ko siya sinunsundan a. Bigla na lang ako tinetext ng mga tao kung saan siya, kahit di ko naman tinatanong. Naiinis lang ako. BAKIT AKO DI KO SIYA NAKIKITA :( Pero yay! Good news! At naconfirm na ng blockmate ko na mas matangkad daw crush ko kaysa sa akin. Yay! Wahaha. And wala daw girlfriend. Wahahaha. Thank you ECE people for the info. nyahaha.
Hmm. Ang tagal naman ng oras. At wala na akong magawang matino. Sana dinala ko na lang notebooks ko. O kaya umuwi na lang ako kung alam ko lang na 4 pala kami aalis. Kala ko naman kasi 3. Hayayay.
Ang konti naman ng tao sa lib pag Sabado. Sana man lang pumunta crush ko dito para mainspire ako kahit konti.
[edit]
5 oras pala ako naghintay. Ang loner ng araw na ito. Kumain ako ng lung sa caf mag-isa. Naghintay sa lib ng 4 na oras. Pumunta ng Som mall tapos kala ko may kasama na ako. Pero naghintay pa ako ng isa pang oras. Wooh!
No comments:
Post a Comment