Tuesday, February 5, 2008

para po diyan sa tabi

aww PALIHAN memories! :D
-------------------------------------------
grabe, mga 20 siguro kaming nagsiksikan sa isang jeep dahil...wala lang :P ang saya ng trip papunta.SUPER! laro lang kami ng laro ng mga walang kwentang games sa dyip. tipong magbigay ka ng name ng isang brand ng isang bagay
(ex bag, nail polish, men's underwear) within 10 seconds. tapos kung hindi mo masagot, kailangan mong sumigaw ng "I LOVE YOU MANANG/MANONG!" sa mga istambay sa labas ng dyip. galing noh? ugaling skwater talaga. :)) naglaro din kami ng find the killer sa dyip kaya nga lang di mo alam kung patay ka na o hindi kasi malay mo napupuwing lang ung kaharap mo dahil maalikabok. tawa lang nang tawa. kaya pagdating namin doon, kala mo para kaming sinuntok. haha.

ang kulit ng mga bata! grabe, inexpect ko kasi sobrang mga demonyo na ng mga bata. paano naman kasi, 11-13 yrs old na ang karamihan sa kanila. juskopo. pero ang saya nilang kalaro. super. ang galing nila magbreakdance at mag-imbento ng istorya gamit ang sayaw at rap! super behaved rin. naglilinis sila mag-isa at madaling pagsabihan. talo pa ata ako noong bata ako. demonyita ata ako noon e. hehe.

ugh. tumatanda na talaga kami. parang noong nakipaglaro kami, kung ano-ano mga larong pinagsasabi nila. bente uno. five ten. THE HELL? sorry naman. haha. at nakaupo lang kami after 20 minutes playing under the sun!
okay mga bata doon. mas okay pa kaysa sa amin.

Oliver: yuck! (referring to an ube monay) ano yan? amag ba yan?! ang laki!
bata: wag kang ganyan. grasya yan.
oliver: edy grasya na inaamag

Drew: haha. gago.
Jon mark: oy kuya, masama nagmumura.

bata: kuya, bakit hindi mo inubos chicken mo?
oliver: e kasi...muslim ako e.
bata: e bakit ka kumain ng baboy.
oliver: onga no.
HAHAHA.
grabe. those kids are really talented. hindi na ako magugulat kung magiging artista ung ibang rappers dun. =))

i was ISMIIIITENNED by TOTOY BIBBO.


cute noses kyra and cathy!



tumutulo na ata laway ni mark haha.


may malanding butiki nakakapit kay ailene. poor girl =))


tihee




balding and paulo. chicken fight! (masyadong natutuwa si rex)





nino: manganganak na ako! gusto ko rin sumayaw ng marimar!
hehe. don't even ask. :P


-feb08-



No comments: